PAGDARAOS NG SIMBANG GABI SA CALASIAO, GENERALLY PEACEFUL – CALASIAO MPS

Iginiit ng Calasiao Municipal Police Station (MPS) na sa pangkalahatan ay naging mapayapa ang unang tatlong araw ng tradisyunal na siyam na araw na Misa de Gallo at Simbang Gabi mula sa pagsisimula noong Disyembre 16 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa panayam ng IFM Dagupan sa Calasiao MPS, inilagay sa heightened alert ang mga yunit ng pulis sa munisipalidad upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga nagsisimba.

Aniya, apat na simbahan ang kabuuang binabantayan ng kapulisan kung saan magsasagawa ng tuloy-tuloy na pagpapatrolya sa buong siyam na araw ng Simbang Gabi at Misa De Gallo.

Dagdag dito, bukod sa mga kawatan ay mahigpit ding binabantayan ang mga kabataan na nagsisimba lalo na sa pagsunod sa ipinatutupad na curfew tuwing alas-10 ng gabi.

Samantala, nagbigay naman ng paalala ang himpilan sa mga magsisimba na mag-ingat sa mga kawatan lalo sa matataong lugar.

Facebook Comments