Tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na tuloy na sa Sabado ang pagdating ng 50,000 doses ng bakuna ng Gamaleya na Sputnik V.
Aniya, nagkaroon lamang ng problema sa logistics kaya na-delay ang pagdating ng mga bakuna sa bansa.
Bunga na rin aniya ito ng mga paghihigpit bilang pag-iingat sa pagkalat ng virus.
Bukod aniya rito, kailangan pang mag-stop over ng Doha, Qatar ang mga bakuna bago ideretso ng Pilipinas.
Idinagdag ni Sec. Galvez na kapag umabot na sa kalahating milyon hanggang isang milyong doses ng bakuna ang kukunin ng Pilipinas sa Russia, ang Philippine Airlines o Cebu Pacific na ang kukuha nito sa nasabing bansa.
Facebook Comments