Pagdating ng mga bakuna, opisyal na pagsisimula ng national vaccination program – Galvez

Hudyat ng pagsisimula ng national vaccination program ang pagdating ng mahigit isang milyong doses ng COVID-19 vaccines simula ngayong araw.

Ito ang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa harap ng nakatakdang pagdating ng donasyong 600,000 doses ng Sinovac vaccines ng china mamayang hapon at 525,600 doses ng Astrazeneca vaccine bukas, na bahagi naman ng alokasyon ng COVAX facility para sa Pilipinas.

Ayon kay Galvez, ibibigay ang inisyal na doses ng mga bakuna sa Philippine General Hospital (PGH) at iba pang pangunahing ospital sa bansa.


Kasabay nito, hinikayat ni Galvez ang mga pilipino na magparehistro na sa kanilang mga barangay para makapagpabakuna.

Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga bakuna ng Sinovac sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Facebook Comments