Pagdating ng mga kasapi ng KADAMAY na nagbabantay sa Pandi 3 Brgy. Mapulang Lupa Pandi Bulacan, nagpapatuloy

56
Manila, Philippines – Tuloy tuloy ang pagdating ng mga kasapi ng Kadamay para suportahan ang kanilang mga kasamahan na walang tulog na nagbabantay sa Pandi 3 Brgy Mapulang Lupa Pandi Bulacan.
 
Nagtipon tipon na ang grupong Kadamay at kanilang pinag-uusapan ang kanilang mga estratehiyang gagawin sakaling dumating ang mga opisyales ng NHA, PNP at Militar para isilbi ang Notice of Eviction sa naturang grupo.
 
Kapansin-pansin na nasa harapan ng barikada ay mga kalung-kalong ng kanilang mga ina ang kanilang mga  sanggol,buntis at mga matatanda ang nasa unahan upang magdadalawang-isip umano ang PNP na papasukin ang kanilang inukupahang Housing Units.
 
Binakuran na ng mga kahoy ang nasa harapan ng Housing Units at nakalagay sa harapan ang NO ID NO ENTRY kung saan pawang mga miyembro lamang ng Kadamay ang makapapasok sa loob ng Housing Units.
 
Tikom ang bibig ng lahat ng mga kasapi ng Kadamay at ayaw nilang magsalita hinggil sa naturang usapin at binabanggit  nila na lahat umano sila ay lider at walang nagdidikta umano sa kanila kung ano ang kanilang gagawin dahil kusang loob umano silang umukupa sa naturang Housing Units.


RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Silvestre Labay
 

Facebook Comments