Kagawad at Sekyu, patay nang salpukin ng trak sa North Cotabato

7
Manila, Philippines – Patay ang isang Barangay Kagawad at Security Guard makaraang salpukin  ng elf truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Makilala, North Cotabato.
 
Kinilala ang mga biktima na sina Paquito Egualan Sarmiento, 58-anyos at Crispin Mier Famulagan, 61-anyos.
 
Sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungong Kidapawan City nang salpukin ng trak na may plakang RJC-964 na minamaneho ni Berlyn Jose Quibol, 38-anyos.
 
Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang trak kaya nasalpok ang likuran ng motorsiklo ng mga biktima.
 
Sa lakas ng impact ay tumilapon ang dalawa saka nadaganan naman ng sumusunod na truck.
 
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments