Pagdating ng mga OFW sa bansa, ire-regulate na ng gobyerno

Ire-regulate na ng gobyerno ang pagdating ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa para maiwasan ang overcrowding sa mga quarantine facilities.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, ito ay para hindi na maulit ang nangyari kamakailan kung saan inabot ng isang buwan ang mga OFW sa mga quarantine facility sa Metro Manila dahil sa tagal ng paglalabas ng resulta ng kanilang COVID-19 test.

Kaugnay nito, nasa 1,200 hanggang 1,500 returning OFWs lang ang papayagan nilang pumasok sa bansa kada araw.


Napagkasunduan din aniya na limang araw lang ang maximum na maaari silang manatili sa Maynila.

Kasabay nito, nilinaw ni Lorenzana na tanging RT-PCR COVID-19 test lang ng mga OFW kabilang ang mga seafarers ang babayaran ng gobyerno.

Habang ang mga hindi OFWs ay dapat na magbayad para sa sarili nilang testing at processing.

Facebook Comments