Tuloy ang arrival ngayong araw ng 26 Filipino repatriates mula Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) sa kabila ng lockdown sa buong Luzon.
Kinumpirma rin ni Foreign Affairs Usec Brigido Dulay na sinagot ng pamahalaan ang lahat ng gastusin ng naturang Pinoy workers.
Kabilang na dito ang Board and lodging, immigration penalties at pamasahe sa eroplano.
Mismong ang Philippine Embassy aniya sa Abu Dhabi ang nag-asikaso sa pangangailangan ng repatriates.
Facebook Comments