PAGDATING NG VOTE COUNTING MACHINES SA PANGASINAN, INAASAHANG DARATING SA SUSUNOD NA LINGGO

Nagpapatuloy ang pagdating sa COMELEC Pangasinan warehouse ng mga non-accountable materials na gagamitin para sa pagdaraos ng National and Local Election.
Ayon kay tty. Ericson Oganiza, ang Provincial Election Supervisor ng COMELEC Pangasinan, ang mga ito dinala sa provincial hub, ang iba naman ay nasa opisina ng Provincial Treasurer at ang iba naman ay diretso na sa City Treasurers Office.
Inaasahan sa April 15 ang tentative schedule ng pagdating ng mga gagamiting Vote Counting Machines o VCMs ngunit nilinaw nito na hindi pa kasama dito ang mga official ballots.

Tuloy naman umano ang trabaho ng COMELEC katuwang ang PNP upang masiguro ang pagbiyahe ng mga election paraphernalias papunta sa hubs at siniguro na ligtas ang paglalagyan nito. | ifmnews
Facebook Comments