PESO CAUAYAN, MAGSASAGAWA NG JOB FAIR

27
Cauayan City, Isabela- Bilang bahagi ng programa ng Gawagaway-yan festival ay magkakaroon ng Job fair sa darating na Sabado, April 9, 2022 sa gaganapin sa second floor ng SM City Cauayan.

Ang programa ay pangungunahan ng PESO Cauayan, na dadaluhan ng iba’t-ibat mga kumpanya at iba pang ahensya sa lalawigan ng Isabela.

Mayroon din mga kumpanya ang lalahok sa Job fair para sa mga gustong mag apply at magtrabaho sa ibang bansa.

Kailangan lamang dalhin ng mga aplikante sa naturang araw ang application letter, resume at iba pang credentials.

Sa ngayon, patuloy ang pagkikipag ugnayan ng PESO Cauayan sa lahat ng mga kumpanya sa Isabela na gustong sumali sa para naturang aktibidad.

Bukod sa isasagawang Job fair, kasalukuyan din ang pagtanggap ng nasabing opisina sa mga walk in applicants na kanila namang ibibigay sa mga kumpanyang naghahanap ng mga aplikante.



Ang muling pagsasagawa ng job fair ay layong matulungan ang mga taong walang trabaho.

Facebook Comments