Manila, Philippines – Inaabangan na ngayong ng pagbuhosng karamihan sa mga Heads of State para sa 30th Association of Southeast AsianNations (ASEAN) Summit.
Ngayong hapon, sunod-sunod ang pagdating nina Indonesian President Joki Widodo, Cambodian Prime Minister Hun Sen, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha, Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc at Laos President Bounnhang Vorachith.
Habang sina Malaysian Prime Minister Najib Razak at Brunei Sultan Hassanal Bolkiah ay narito na nitong nakalipas na araw para sa kanilangstate visit.
Tanging si Myanmar President U Htin Kyaw lamang ang pinuno ng bansa na hindi makakarating kaya kakatawanin na lang ito ng Democracy Icon at Nobel Peace Prize Winner na Myanmar State Counselor na si Aung San SuuKyi.
Sa interview ng RMN kay Civil Aviation Authority of the Philippines Spokesman Eric Apolonio – kahit walang inilabas na restriction para sacommercial flights, sinabi nito na magkakaroon naman ng priority assistance sa pagdating ng mga heads of state.
Nanawagan ng pang-unawa si Apolonio sa mga pasaherongmaaapektuhan ng ASEAN Summit.
Pagdating sa bansa ng iba pang Heads of State na dadalo sa ASEAN Summit – inaantabayanan na!
Facebook Comments