Nagbigay ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr., na magdagdag pa ng mga K-9 units na ipakakalat sa mga matataong lugar ngayong Semana Santa.
Bagama’t kuntento na sa latag ng seguridad, nais ni Acorda na ma-maximize ang deployment para sa mga K-9 units upang masiguro na walang makalulusot na mga kontrabando.
Mula nang itaas ang heightened alert status sa hanay ng Pambansang Pulisya kahapon, sinabi ni Acorda na nasa 75% ng kanilang mga tauhan ang nakakalat sa mga matataong lugar tulad ng mga bus terminals, pantalan, paliparan, simbahan, tourist spots at iba pa.
Bukod kasi sa Semana Santa ay buwan din ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim kaya’t mahigpit nilang tinututukan ang peace and order situation sa bansa.
Kasunod nito, muling tiniyak ng PNP na wala naman silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ngayong Holy Week break.