Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutulungan nito ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na mag-a-avail ng amnestiyang alok ng Kuwaiti Government.
Partikular ang mga dayuhang overstaying sa Kuwait.
Kaugnay nito, naglabas na ng advisory ang DMW Migrant Workers Office sa Kuwait (MWO-Kuwait) hinggil sa kung paano makakukuha ng amnestiya ang OFWs.
Ang 3 buwang amnesty period ng Kuwait ay nagsimula nitong March 17 at tatagal sa June 17, 2024.
Hinihimok naman ang overstaying Filipinos sa Kuwait na walang valid passport na mag-apply sa Philippine Embassy sa Kuwait City.
Facebook Comments