Pagde-deploy ng mas maraming pulis sa pampublikong lugar, ipinag-utos ni PNP Chief Eleazar

Ipinag-utos ngayon ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa mga hepe ng mga istasyon ng pulis sa buong bansa ang pagde-deploy ng karagdagang mga tauhan sa mga pampublikong lugar.

Ito’y upang magbantay at masigurong maiwasan ang anumang mass gatherings na maaaring maging sanhi ng hawaan ng COVID-19 base na rin sa kautusan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Inatasan din ni Eleazar ang lahat ng police commanders na lalong paigtingin ang pakikipagtulungan sa mga barangay sa pag-iikot at pagbabantay laban sa mga superspreader event sa gitna ng banta ng Delta variant ng COVID-19.


Aniya, kinakailangan na masigurong may mga pulis na naka-deploy sa mga pampublikong lugar at mga establisyimento sa kanilang area of responsibility.

Binabalaan din ng opisyal ang sinuman mga organizer na nagbabalak ng anumang aktibidad lalo na kung lalabag ito sa protocol na mahaharap sila sa patong-patong na kaso.

Sinisiguro naman ni Eleazar na palagi silang makikipag-ugnayan sa national government para malaman kung paano pa mapapalakas at masisiguro na maipapatupad ng maayos ang implementasyon ng quarantine guidelines.

Facebook Comments