Kaso ng Omicron BQ.1 subvariant sa bansa, umabot na sa 17

Umabot na sa 17 ang kaso ng Omicron BQ.1 subvariant sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng isang karagdagang kaso mula sa Western Visayas.

Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng 114 na iba pang Omicron subvariants.


Kabilang dito ang 64 na kaso ng BA.2.3.20; dalawang kaso ng BA.5, 42 na kaso ng XBB at anim na kaso ng iba pang Omicron sublineages.

Samantala, nakapagtala rin ang bansa ng dalawang bagong kaso ng XBC, na recombinant variant ng Delta at Omicron.

Facebook Comments