PAGDEDEKLARA NG FOOD SECURITY EMERGENCY ON RICE, ISANG KAPALPAKAN AYON SA BANTAY BIGAS

Kapalpakan kung ituring ng grupong Bantay Bigas ang pagdedeklara kamakailan ng pamahalaan ng Food Security Emergency on Rice.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, inilahad nito na hindi pa umano naaabot ng National Food Authority o NFA ang ilang lugar kung kaya’t hindi pa malasap ng publiko ang mababang presyo ng bigas.

Samantala, dahil naman sa mababang presyo ng pagkuha sa palay ay tila talo ang mga magsasaka dahil sa halos hingiin na lamang umano ito sa kanila.

Sa Pangasinan, pumapalo sa 22 pesos ang dried palay, samantalang nasa 17 pesos ang wet palay.

Inihayag naman ng Grupong SINAG ang kanilang panawagan na muling ibalik sa 35% ang taripa ng mga imported na bigas dahil sa bilyon-bilyong pisong nasasayang na dapat umano ay ihatid na lang sa mga magsasaka bilang subsidiya.

Ilang rice retailers sa Pangasinan naman ang nagpaabot ng kanilang kahilingan na Sana ay maabot na ang mga ito ng supply ng NFA rice upang makatulong sa mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments