Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na ang pagdedeklara ng martial law sa Sulu kasunod ng dalawang magkasunod na pagsabog sa Jolo ay nakadepende sa ‘nature of incident.’
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maaaring ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Batas Militar kung ang mga nangyaring pagsabog ay isang ‘act of rebellion.’
Kung ito ay kaso ng lawless violence, maaaring atasan ng Pangulo ang militar na paigtingin ang puwersa para mapigilan ang anumang karahasan sa ilalim ng Section 18, Article VII ng Konstitusyon.
Sakaling terrorist act ang nangyari, dito papasok ang Anti-Terrorism Law.
Nabatid na inirekomenda ni Philippine Army Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana ang pagdedeklara ng martial law sa Sulu Province.
Nabatid na inilagay ang Mindanao sa Batas Militar hanggang sa December 31, 2019, higit dalawang taon matapos nitong ipatupad ni Pangulong Duterte bunga ng Marawi Siege.