Koronadal, Philippines – Inaalam na ngayon ang pinsalang iniwan ng tumamang buhawi sa Barangay Namnama, lungsod ng Koronadal.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer o CDRRMO Jose Cyrus Urabano – nasa 14 na bahay ang nasira ng nasabing buhawi kasama ang piggery ng city government sa parehong barangay.
Apektado rin ang walong ektarya ng pananim dahil sa malakas na ulan at hangin kasama na ang maraming puno ng saging, papaya, sweet corn at ilang mga namumungang prutas.
Sa ngayon pinag-aaralan na kung mapasailalim sa state of calamity ang Barangay Namnama matapos masalanta nang buhawi.
DZXL558
Facebook Comments