NCRPO Press Club, namahagi ng school supplies sa mga batang estudyante sa Quezon City

Quezon City, Philippines – Halos hindi maipaliwanag ang kaligayahan ng 200 mga batang Kinder at Grade 1 Pupil ng Barangay Central Quezon City matapos na mabalitaan nilang mamahagi ng mga bag at school supply ang NCRPO Press Club.

Ayon kay NCRPO Press Club President Lily Reyes makikinabang sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ang 200 bags at school supply na ipamimigay ng NCRPO Press Club sa mga kabataan na kapos palad at hindi kayang bumili ng mga gamit sa eskwela.

Paliwanag ni Reyes, taun-taon ng ginagawa ng NCRPO Press Club ang naturang proyekto upang makatulong sa mga batang mahihirap pero nagsusumikap na makatapos sa pag-aaral.


Naniniwala si Reyes na kung magkaisa lamang ang lahat ng mga organisasyon na ang layunin ay makatulong sa mga batang mahihirap pero gustong mag-aral ay malaking tulong sana upang mabawasan ang mga batang tumigil sa pag-aaral dahil na rin sa kahirapan.
DZXL558

Facebook Comments