Pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong ceasefire, ikukunsulta muna sa Senado at Kongreso

Manila, Philippines – Hindi magdedeklara ng panibagong ceasefire si Pangulong Duterte sa Communist Party of the Philippines (CPP) hangga’t hindi nakokonsulta ang National Security Council lalo na ang militar at pulisya.
 
Ayon sa pangulo, balak di niyang konsultahin sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.
 
Aniya, magpapatawag rin siya ng pulong kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
 
Una nang kinumpirma ng CPP ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire bago o simula sa March 31.
 
 
 

Facebook Comments