Pagdedma ng Palasyo sa panghihimasok ng China sa WPS, ikinabahala ni VP Robredo

Nababahala si Vice President Leni Robredo sa tila pagkibit-balikat ng Malacañang sa panghihimasok ng China sa teritoryo ng bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, iginiit ni Robredo na nasa liderato malalaman kung paano ang paninindigan ng Pilipinas sa soberenya nito.

Dapat aniya ipakita ng liderato ang ginagawa nitong aksyon lalo na sa pagtatanggol nito sa soberenya ng bansa.


Suportado rin ng Bise Presidente ang paghahain ng diplomatic protest ng Department of Foreign Affiars.

Iginiit din ni Robredo na dapat may matapang na pahayag ang Department of National Defense (DND) hinggil dito.

Nabatid na 44 na Chinese vessels pa rin ang nananatili sa Julian Felipe Reef sa West Philippines Sea na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Facebook Comments