Pag-uusapan pa lamang ng Metro Manila mayors ang panukalang ibaba sa Alert Level 0 ang National Capital Region (NCR).
Ito ang sinabi ni Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kasunod ng mga posibilidad na pagdeklara ng Alert Level 0 sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Olivarez, wala pa silang napag-uusapan dito at pinag-aaralan na rin nila ang bali-balitang Deltracon variant na pinagsamang Delta at Omicron variant.
Naniniwala naman ang alkalde na pinakamainam na panatilihin muna sa Alert Level 1 ang buong Metro Manila.
Samantala, pabor kay Olivarez na huling tanggalin ang face mask policy lalo na’t ipinapatupad na muli ang full on-site work at face-to-face classes.
Mababatid na hati ang pananaw ng mga eksperto sa kahandaan ng NCR sa tinatawag na pandemic exit.