Mahigit 1-M reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5-11 taong gulang, dumating na sa bansa kagabi

Nakarating na sa bansa ang aabot sa 1,032,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 taong gulang kagabi, ika 12 Marso.

 

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, dumating ang panibagong batch ng bakuna pasado alas 8 ng gabi.

Bago rito, nakatanggap na ang bansa ng 1,080,000 doses ng kaparehong bakuna noong Biyernes ng gabi.


Mababatid na nagsimula ang Resbakuna Kids na layong bakunahan ang mga kabataang edad 5-11 taong gulang sa National Capital Region (NCR) noong ika 7 ng Pebrero.

 

Facebook Comments