Pagdeklara ng DepEd na ‘successful’ ang pagbubukas ng school year 2021-2022, hindi naging katanggap-tanggap

Pinuna ng isang grupo ng mga education workers ang pagdeklara ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ‘successful’ ang pagbubukas ng school year 2021-2022.

Kasabay ito ng problemang hindi pa rin nasosolusyunan ng tanggapan.

Ayon sa ACT-Teachers Party-list, hindi nila ikinatuwa ang nangyari dahil nagpapahayag lamang ito na huli ang Pilipinas sa pagbubukas muli ng mga paaralan kumpara sa ibang mga bansa.


Habang hindi dapat ipagdiwang ang pagbubukas muli ng klase dahil maraming magulang at mag-aaral ang nahihirapan pa rin sa online classes.

Sa ngayon panawagan ng grupo, resolbahin at idulog kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga problemang ito upang mapunan ang pangangailangan ng sektor ng edukasyon.

Facebook Comments