Pagdeklara ng International Bargaining Forum sa Red Sea at Gulf of Aden bilang “war-like” zone, pinuri ng isang kongresista

Buo ang suporta ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo sa desisyon ng International Bargaining Forum o IBF na ideklara ang Red Sea at Gulf of Aden bilang ‘war-like zones’.

Pinuri ni Salo ang nabanggit na pasya ng IBF para maprotektahan ang kapakanan ng mga mandaragat, kasama na ang mga Filipino seafarer, laban sa patuloy na pag-atake ng mga rebelde sa mga sasakyang pandagat na naglalayag sa nabanggit na ruta.

Tiwala si Salo na ang hakbang ng IBF ay hihikayat sa mga barko na huwag ng dumaan sa naturang bahagi ng karagatan.


Umaasa si Salo na dahil dito ay maoobliga ang shipping agencies and principal owners na magpatupad ng mas mahigpit na security measures tulad aniya ng pagtatakda ng ruta malayo sa Red Sea at Gulf of Aden, pagsailalim ng mga seafarers sa security training at pagtatalaga ng mga armadong tauhan sa kanilang mga barko.

Facebook Comments