Pagdeklara ng kanselayon ng klase kapag may bagyo, ipinapaubaya na ng DepEd sa mga LGU’s

Ipinapaubaya na ng Department Of Education sa mga local government units ang desisyon sa tuwing magkakansela ng klase kapag masama ang panahon.

 

Sa naging pahayag ni Education Secretary Leonor Briones sa pagbubukas ng Oplan Balik Eskwela Public Assistance Command Center, reaponsibilidad na daw ng mga LGU ang deklarasyon ng pagkansela ng klase lalo na’t sila ang mas nakaka-alam ng sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

 

Iginiit pa ni Briones na may batas na umiiral na ipinapapaubaya sa LGU ang deklarasyon ng pagkansela ng klase kaya’t sila na ang bahala dito.


 

Nagbigay naman ng mga safety reminders ang  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA kapag may bagyo kung saan ipinaliwanag din nila ang mga protocol sa paglalabas ng mga storm warning signals.

Facebook Comments