Pinag-iisipan sa ngayon ang gobyerno ang panawagan ng ilang mambabatas na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresita Daza na kapag nasa pwesto na ang isang ambassador, ibig sabihin ay tinanggap siya ng accrediting host government.
Paliwanag ng kalihim maaari lamang maging subject ng persona non grata kung may ginawa o sinabi ito na hindi maganda laban sa bansa.
Pero sa kasong ito aniya, kailangan muna niyang isa ilalim sa seryosong konsiderasyon kung ang serye ng insidente sa West Philippine Sea (WPS) ay may merit para siya ideklarang persona non grata.
Una na kasing nangako ang ambassador ng China sa Pilipinas na gagawin niya ang lahat ng makakaya para mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at China, hindi para ito pagsabungin pa.
Ngayong hapon o gabi ay haharap si Chinese Ambassador Huang kay pangulong Ferdinand Marcos Jr., para magpaliwanag sa nangyaring pangha-harass ng kanilang Chinese Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas.
Kaugnay nito, wala namang pinag-uusapan pa sa ngayon ang gobyerno para i-recall o pauwiin na rito sa Pilipinas ang ambassador ng Pililinas sa Beijing na si Jaime Florcruz.