Manila, Philippines – Si Kerwin Espinosa na ang susunod na sasalang sa pagdinig ng Manila RTC Branch 26
Kasunod ito ng pagtatapos ng prosekusyon ng presentasyon ng mga testigo at ebidensiya laban sa self confessed drug personality
Gayunman, sa January 11 pa ng susunod na taon itinakda ni Judge Silvino Pampilo Jr. ang pagtestigo ni Kerwin.
Ito ay matapos matuklasan ng prosekusyon ang mga problema sa markings sa mga ebidensiya at sa pahayag ng mga saksi.
Dahil dito, binigyan ni Judge Pampilo ang prosekusyon ng labing-limang araw para maayos ang markings sa kanilang exhibit o mga ebidensiya at 30 araw naman para sa formal offer of evidence o pagsusumite ng kanilang mga ebidensiya.
30 araw din ang ibinigay ng korte sa kampo ni Kerwin Espinosa para sumagot.