Pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno, itutuloy sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang ipagpatuloy ng House Committee on Justice sa susunod na Linggo (November 22) ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay Justice Committee Chairman, Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali – tutukuyin sa pagdinig kung mayroong probable cause sa impeachment case lalo’t nakitaan ito ng sufficient grounds.

Dagdag pa ni Umali – kung nais ng kampo ni Sereno na magkaroon ng cross-examination sa mga umaakusa ay kailangang dumalo ang punong mahistrado sa pagdinig para personal na makaharap niya ang mga ito.


Nabatid na naghain ng apat na pahinang mosyon si Sereno sa komite na humihiling na kilalanin ang kanyang karapatan na katawanin ng kanyang mga legal counsel.

Sinabi pa ni Umali – maaring ma-impeach si Sereno kapag ang isa sa 27 grounds of impeachment ni Atty. Larry Gadon ay napatunayang may basehan.

Samantala, malabo na ring makapag-endorso ang komite ng articles for impeachment laban sa punong mahistrado sa susunod na buwan.

Facebook Comments