Pagdinig ng joint committee sa pag-atake sa Resorts World Manila, itutuloy ngayong araw

Manila, Philippines – Itutuloy ngayong araw ang joint committee hearing sa pag-atake ng lone gunman na si Jessie Carlos sa Resorts World Manila noong Hunyo 2.

Sa 33 katao na inimbitahan ng House Committee on Games and Amusement, hindi kasama ang may-ari ng R-W-M na si Andrew Tan.

Una nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na marami pang katanungan na dapat sagutin sa insidente sa R-W-M kaya nais nitong humarap din ang may-ari ng casino sa imbestigasyon.


Ipinatawag naman para humarap mamaya ang pangulo ng R-W-M na si Kingson Sian, Chief Operating Officer (COO) Stephen James Reilly at Chief Legal Officer Atty. Ma. Georgina Alvarez.

Kasama rin sa inimbitahan ang attendant ng sea oil gas station kung saan bumili si Carlos ng gas at si Nanilo Rodriguez, driver ng taxing sinakyan ng suspek.

Maging si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Rogelio T. Casurao, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, ay pinadadalo rin sa pagdinig.
DZXL558

Facebook Comments