Pagdinig ng Kamara sa aberya sa NAIA, kasado na

Kasado na alas-10:00 bukas ng umaga ang pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa nangyaring aberya sa air navigation system ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong January 1.

Dahil sa nabanggit na technical glitch ay nadiskaril ang biyahe ng mahigit 300 international at domestic flights kung 65,000 na pasahero ang naapektuhan.

Sa pagdinig ay hihingi ng briefing at update ang house committee na pinamumunuan ni Antipolo City 2nd District Representative Romeo Acop.


Pangunahin sa mga imbitado ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at iba pang kinauukulang ahensya.

Ang naturang pagdinig ay unang isinulong ni San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes na isa sa libu-libong pasahero na nabiktima ng naturang problema sa NAIA.

Facebook Comments