Pagdinig ng Kamara sa impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista, aarangkada ngayong araw

Manila, Philippines – Sisimulan ngayong araw ang pagdinig ng Kamara sa impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Pero sinabi ni House Justice Committee Chairperson Rep. Reynaldo Umali – may mga posibilidad na hindi matuloy ang impeachment kung mababasura ang reklamo.

Aniya, walang personal na kaalaman ang mga naghain ng complaint na sina Atty. Ferdinand Topacio at dating Cong. Jacinto Paras.


Ayon sa nag-endorso ng complaint na si Kabayan Rep. Harry Roque – mula sa dating personal knowledge and documents, pinalitan na ito sa personal knowledge based on authentic records.

Handa naman si Patricia na humarap sa pagdinig para igiit ang mga ibinunyag niya noon laban sa kanyang asawa.

Matatandaang ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippine Constitution ang nagsampa ng impeachment complaint laban sa hepe ng poll body.

Facebook Comments