Kinontra nina Senate President (SP) Tito Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator Panfilo “Ping” Lacson ang sinasabi ng Kamara na ang pagsasagawa nitong muli ng pagdinig ukol sa panukalang Charter Change o Cha-Cha ay pag-upo na rin nito bilang Constituent Assembly o Con-Ass.
Giit nina SP Sotto, Zubiri at Lacson, simpleng committee hearing lang ang isinagawa ng Kamara dahil makakapag-convene lang ang Kongreso bilang Con-Ass kapag sila ay nasa plenaryo at nasa sesyon.
Ayon kay Sotto at Zubiri, ngayon ay nakabakasyon pa ang regular session at sa Lunes pa babalik.
Sabi ni Lacson, patawarin na lang ang Kamara dahil hindi alam ang ginagawa.
Patutsada naman ni SP Sotto, kung gusto ng Kamara na mag-amyenda ng Konstitusyon ay dapat alam nito ang rules and procedure.