Pagdinig ng LTFRB sa 2 pesos fare increase, muling itinakda sa October 24

Manila, Philippines – Hindi natuloy ang unang pagdinig ng Land Transportation Franchising Regulatory Board sa petisyon ng ibat ibang jeepney operators para sa dalawang pisong dagdag sa pasahe.

Sa halip, muling itinakda ang pagdinig sa October 24 matapos na mabigo ang mga petitioners na makapagharap ng kaukulang dokumento na makapagbibigay katwiran sa kanilang hinihinging fare increase.

Kabilang sa mga petitioners ay ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Alliance of Concerned Transport Organization (Acto), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap)at Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburb Drivers Assoc. Nationwide Inc.


Iginigiit ng mga nabanggit na Transport groups na bagsak na ang kanilang kabuhayan dahil sa patuloy na nagmamahal na presyo ng spare parts at gasolina.

Idagdag pa rito ang pangongotong ng mga otoridad na naglipana sa kanilang mga ruta.

Facebook Comments