Binusisi ng senado ang dahilan ng nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumuan ni Sen. Grace Poe, lumabas na isa sa dahilan ng Kakulangan ng supply ng tubig ng Manila Water sa kanilang mga costumer ay ang hindi pag-pagana ang cardona water treatment plant.
Paliwanag ni Manila Water CEO Ferdinand Dela Cruz, nagkaroon ng technical problem matapos na nagkaroon ng tagas ang kanilang tubong nakabaon sa lupa.
Binatikos naman ni Manadaluyong Mayor Menchie Abalos ang Manila Water dahil mas nauna pa umanong nawalan ng tubig bago ang advisory.
Bunsod nito, humingi ng paumanhin si Dela Cruz at sinabing handa siyang magbitiw sa pwesto upang panagutan ang nangyaring water shortage.
Hindi naman nakuntento ang mga senador sa paghingi ng paumanhin ni Dela Cruz at iginiit na dapat ay may managot sa insidente.