MANILA – Napuno ng tensyon ang pagdinig ng Senado hinggil sa mga kaso extra judicial killings.Ito’y matapos maungkat na kinasuhan pala noon si Edgar Matobato kaugnay ng pagdukot sa international terrorist na si sali makdum.Sinabi kasi ni NBI Director Dante Guierran, na taong 2000 nang kasuhan si matobato ng kidnapping with ransom.Paniwala ni Committee Chairman Richard Gordon, na pina-ikot lamang sila ni Matobato.Kinastigo rin ni Gordon si Sen. Leila De Lima kung bakit hindi ipinasiwalat kay Matobato na kinasuhan pala ito.Pero, katwiran ni De Lima… May mahaba siyang notes at baka nakaligtaan lang niya ang naturang impormasyon.Samantala… Ikinagalit ng mga senador… Ang pag-alis ni Matobato sa senate building nang walang pasabi.Ayon kay Gordon, iniutos kay Matobato na huwag umalis para makaharap niya ang mga itinuro niyang myembro umano Davao Death Squad.Katwiran ni Matobato, na natakot siya para kanyang seguridad kaya siya umalis.Sagot naman ni De Lima, na dapat sinabihan kaagad si Matobato na harapin ang kanyang mga pinaparatangan.Sa huli inako ni sen. Antonio Trillanes ang responsibilidad sa pagpapaalis kay Matobato.Ikinagalit ni de lima, nang malaman kay Trillanes na mayroon na palang pag-amin si Matobato kaugnay sa nasabing kaso.Nang walang makuhang sorry si De Lima ay saka na ito nag-walk out sa session hall.
Pagdinig Ng Senado Kaugnay Sa Pagdinig Ng Extra Judicial Killings, Nabalot Ng Tensyon
Facebook Comments