MANILA – Ipinagpaliban sa Huwebes ang nakatakda sanang pagdinig bukas ng Senate Committee on Justice and Human Rights tungkol sa Extra–Judicial Killings.Ito ay habang ipinaglalaban ng komite ang pagbibigay ng proteksyon sa self-confessed killer na si Edgar Matobato.Una na kasing sinabi ni Senate President Koko Pimentel na walang kinalaman at labas sa pagdinig ni Senador Leila De Lima tungkol sa nangyayaring patayan mula June 30 ngayong taon ang mga pahayag ni Matobato.Kaugnay nito, isang bagong resolusyon naman ang inihain ni Sen. Antonio Trillanes tungkol sa pagpatay na isinagawa ng Davao Death Squad.Tiwala aniya si Trillanes na pulitika ang nasa likod ng pagtanggi ni Pimentel sa pagbibigay ng proteksyon kay Matobato.Pero una nang nilinaw ni Pimentel na wala siyang nakikitang banta sa buhay ng dating miyembro ng DDS.
Pagdinig Ng Senado Sa Extra Judicial Killings Sa Bansa, Iniurong Sa Huwebes
Facebook Comments