Pagdinig ng Senado sa mga kontrobersya sa Philhealth at mga akusasyon laban kay Secretary Duque, isinagawa

Isinagawa ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon ukol sa mga anomalya sa Philhealth at mga ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson laban kay Health Secretary Francisco Duque III.

Inusisa rin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kabiguan ng Philhealth na maibigay ang claims ng mga ospital.

Lumabas sa pagdinig na umaabot na sa 14-billion pesos ang hindi nabayaran ng Philhealth na hospital claims noong December 2018.


Ayon kay Drilon, ang hindi pagbabayad ng Philhealth dito ay posibleng makaapekto sa operasyon ng mga ospital.

Dumalo rin sa pagdinig si Dating Health Sec. Janette Garin at ang ilang kinatawan ng National Bureau of Investigation para naman sa reklamong pekeng claims sa Philhealth.

Ayon kay Senator Gordon, target ding mabusisi sa pagdinig ang kakulangan ng Philhealth para makatugon sa mandato sa publiko.

Facebook Comments