Pagdinig ng Senado sa overcharging ng Grab, tuloy sa Enero

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian na tuloy ang gagawing pagdinig ng Senado sa Enero laban sa umano’y  sobra-sobrang paniningil ng Grab lalo na ngayong holiday season.

Sinabi ito ni Gatchalian, kahit nangako umano ang Grab na umpisa ‪December 24, magbababa ito ng singil.

Ayon kay Gatchalian, layunin ng pagdinig na maliwanagan ang fare matrix at surge pricing o patakaran sa pagbabago ng singil ng Grab at ng iba pang Transport Network Vehicle Service o TNVS batay sa oras at dami ng nagpapa-book na commuters.


Punto ni Gatchalian, posibleng panandalian lang ang pangakong magbaba ng singil ang Grab.

Umaasa si Gatchalian na magiging daan ang pagdinig para mahahanapan ng pangmatagalan  solusyon at patakaran para hindi makalusot ang pagmamalabis sa hanay ng TNVS.

Facebook Comments