Pagdinig ng Senado tungkol sa maanomalyang paggamit ng COVID-19 funds ng gobyerno, hindi ipapatigil – Senator Gordon

Nanindigan ang Senate Blue Ribbon Committee na hindi nila ititigil ang pagdinig tungkol sa maanomalyang paggamit ng COVID-19 funds ng gobyerno.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Committee Senate Blue Ribbon Committee na hindi nila ihihinto imbestigasyon dahil nakakakuha sila ng bagong impormasyon kada mula sa mga sangkot na indibidwal.

Aniya, mahalagang malaman ng komite kung saan napunta ang perang ginasta ng gobyerno.


Giit niya, ito ay pondo ng taong bayan na maaaring gamitin sa ayuda, pambayad sa Special Risk Allowance ng mga health workers at iba pang bagay na makakatulong sa patuloy na paglaban sa pandemya.

Facebook Comments