Pagdinig ngayong araw ng Senado sa isyu ng red-tagging, inalmahan ng Gabriela

Pumalag ang grupong Gabriela sa isinasagawang pagdinig ngayong araw ng Senado sa isyu ng red-tagging.

Ayon kay Gabriela Secretary General Joms Salvador, isang distraction o may layuning ilihis ang atensyon ng publiko sa lawak ng idinulot na pinsala ng Bagyong Rolly ang gagawing imbestigasyon.

Kabilang sa mga ipinatawag ngayong araw sa Senado ay ang mga miyembro ng tinatawag na Makabayan Bloc sa Kamara, si Gen. Antonio Parlade Jr. at mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Inaasahang dadalo rin si “Ka Eric”, ang dating aktibista mula sa IloIlo na ngayon ay “witness” o testigo na ng NTF-ELCAC.

Una nang humarap sa media si Ka Eric at ibinunyag ang kalakaran ng komunistang grupo partikular ang pagrerecruit ng mga kabataan para maging New People’s Army (NPA).

Facebook Comments