Pagdinig sa ABS-CBN franchise, tinapos na ng Kamara

Tinapos na ng tuluyan ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability ang pagdinig para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Kasunod nito, ay bumuo ng isang technical working group ang komite upang ayusin ang kanilang magiging rekomendasyon na nakabase sa “summation of issues” mula sa labing dalawang pagdinig na kanilang isinagawa.

Ang mabubuong rekomendasyon naman ang pagbobotohan ng komite kung bibigyan ng prangkisa ang giant network o hindi na.


Bukas ay magkakaroon ng pulong ang komite at inaasahan ding magsasagawa ng botohan kung matapos ang rekomendasyon.

Samantala, itutuloy naman ng Good Government and Public Accountability ang pagtalakay sa iba pang resolusyon na may kinalaman pa rin sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN tulad ng hindi pagtupad ng National Telecommunications Commission (NTC) sa nauna nitong pahayag na bibigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, ang sinasabing pang-iimpluwensya ng Office of the Solicitor General sa desisyon ng NTC at iba pa.

Facebook Comments