Parañaque City Government, mamimigay ng ayuda sa susunod na linggo

125

Nakahanda na ang 200 milyong piso para sa ayudang ipamimigay ng lokal na pamahalaan ng Parañaque, simula sa susunod na linggo.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, limang libong piso ang ibibigay sa 50,000 residente na hindi nakatanggap ng kahit anong uri ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.


Ang kwalipikadong residente aniya ay makatatanggap ng Union Bank EON VISA Cards kung saan nila maaaring i-withdraw ang cash assistance.

Paliwanag ni Olivarez, bahagi ito ng pagsisikap ng Parañaque City Government na mapagaan ang hirap na dulot COVID-19 pandemic.

Facebook Comments