Tiniyak ni House Majority Leader and Zamboanga Representative Manuel Jose “Mannix” Dalipe na tutugon ang House of Representatives sa mga kahilingan na imbestigahan ang umano’y kasunduan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China kaugnay sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Dalipe na siya ring chairman ng House Committee on Rules, isasagawa ang imbestigasyon sa umano’y Duterte-China agreement sa pagbabalik ng session ng Kongreso sa April 29 hanggang Mayo.
Ayon kay Dalipe, layunin ng pagdinig na matiyak ang transparency at magarantiyahan ang pagprotekta sa pambansang interes para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino
Diin ni Dalipe, kailangang mabusisi ang implikasyon ng nabanggit na kasunduan sa soberenya ng Pilipinas gayundin sa layuning maprotektahan ang ating mga teritoryo at marine resources.
Ang imbestigasyon sa Duterte-China deal ay inihirit nina Assistant Majority Leader at Zambales Representative Jay Khonghun, at ACT Teacher Party-list Representative France Castro.