Pagdinig sa hirit na surge fee ng ilang transport groups, isasagawa sa November 15 ng LTFRB

Kasado sa November 15 ang unang pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa hirit na “surge fee” ng ilang transport groups tuwing rush hour.

Ayon kay LTFRB Executive Director Robert Peig, ito ay upang mabigyan ang mga stakeholders ng sapat na oras sakaling may tumuligsa sa apela katulad ng mga commuter groups.

Siniguro naman ni Peig na babalensehin nila lahat ng mga dahilan upang makapagbigay ng makatwirang desisyon hinggil dito.


Sa ilalim ng petisyong inihain ng Pasang Masda, ACTO at ALTODAP, nais nila ng pisong dagdag singil sa traditional at modern jeepney at dalawang piso naman sa bus tuwing 5AM hanggang 8AM at 5PM hanggang 8PM na layong maibsan ang pasanin nila sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments