Manila, Philippines – Tinapos na ng Kamara ang pagdinig sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t idineklarang ‘sufficient in form’- 42 kongresista naman ang nagsabing ‘insufficient in substance’ ang reklamo.
Ibig sabihin, ayon kay House Committee On Justice Rep. Reynaldo Umali –walang sapat na batayan ang impeachment complaint na inihain ni Alejano kaugnay ng mga reklamong betrayal of public trust, culpable violation of the constitution, graft and corruption, bribery at other high crimes.
Samantala, inaasahan na umano ni Alejano na agad papatayin ng kamara ang naturang impeachment complaint.
Una nang ginisa ni Majority Leader Rodolfo Fariñas si Alejano kung saan iginiit nitong wala namang personal knowledge si Alejano sa walong libong napatay sa drug war na posibleng tsismis lang din naman.
Nakatakdang magsumite ng report sa plenaryo ang komite ng kamara kung saan pagdedesisyunan kung bubuhaying muli ang reklamo o tuluyan na itong ibabasura.