Pagdinig sa kaso ni ‘Poblacion Girl’, itinakda sa Pebrero 7

Sisimulan na sa susunod na linggo ng Makati City prosecutors’ office ang preliminary investigation laban kay Gwyneth Anne Chua o mas kilala bilang “Poblacion Girl” matapos lumabag sa quarantine protocols ng bansa.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Office of the Prosecutor General Assistant State Prosecutor Honey Delgado, itinakda ang preliminary investigation sa Pebrero 7 at 14 sa ganap na alas-10:00 ng umaga.

Si Chua ay kinasuhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.


Maliban kay Chua, kasama rin sa kaso ang kaniyang magulang na sina Allan at Gemma Chua, kasintahang si Rico Atienza, at ang Resident Manager ng Berjaya Makati Hotel na si Gladiolyn Blala; Assistant Resident Manager Den Sabayo; Security Manager Tito Arboleda; doorman na si Esteban Gatbonton; at front desk attendant na si Hannah Araneta.

Facebook Comments