Ilang TNT players, pinayagang ng maging bahagi ng Gilas Pilipinas

Inaprubahan ng Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang kahilingan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isama ang ilang TNT Tropang Giga players sa Gilas team para sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na gagawin ngayong Pebrero.

Ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas, nagkaisa silang payagan ang ilang manlalaro mula sa TNT na makapaglaro sa Gilas hindi lang sa window kundi maging sa practice.

Aniya, napag-usapan din nila na ibigay ang kanilang suporta sa Gilas hanggang sa World Cup sa 2023.


Sa ngayon, hindi pa tinutukoy ni Gilas Head Coach Chot Reyes kung sinong manlalaro mula sa TNT ang kaniyang kukunin para sa national team.

Habang isa sa tiyak na makakasama ng Gilas laban sa New Zealand, South Korea at India si Dwight Ramos.

Facebook Comments