Manila, Philippines – Pinagliban ng Metropolital Trial Court Branch 34 sa July 14 ang pagdinig sa kaso ni Senador Leila De lima na Disobedience to Summon dahil nagkaroon ng problema sa Judicial Affidavit ng Prosekusyon.
Ayon kay MTC Branch 34 Hon. Judge Maria Ludmila De Pio Lim, ipinagpaliban sa July 14 ang pagdinig sa kaso ni Senador De Lima dahil napansin ng depensa na magkaiba ang isinumite ng prosekusyon sa kanila at sa korte.
Ayon kay Atty. Filibon Tacardon abogado ni Senador De lima June 6 ng natanggap ng korte sa pamamgitan ng LBC na iba ang kopyang isinumite ng prosekusyon sa korte.
Binigyan ng prosekusyon ang depensa ng kopya pero magkaiba sa isinampa nila sa korte kayat hindi umano magagamit ng depensa sa korte.
Tatalakayin sa susunod na pagdinig ang kahilingan ng depensa na ipadis -qualify ang nag iisang testigo ng prosekusyon at kung saan reresolbahin din ng korte bago mag July 14 ang isyu ng magkaiba ang Judicial Affidavit ng prosekusyon.
DZXL558