Pagdinig sa Senado ukol sa pagbabalik biyahe ng pampublikong transportasyon, aarangkada na sa Lunes

Kasado na sa Lunes, May 11, 2020, ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ukol sa pagbabalik-byahe ng pampublikong transportasyon.

Ang pagdinig ay kasunod ng anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) sa planong unti-unting pagbabalik sa operasyon ng pampublikong transportasyon.

Tinukoy ni Poe sa inihain niyang Senate Resolution No. 379 na ang pagbalik sa biyahe ng Public Utility Vehicles (PUVs) ay para mapagsilbihan ang mga kinakailangang manggagawa at tulungang makabangon ang ekonomiya.


Pero giit ni Poe, mahalagang masilip nila sa pagdinig ang mga patakarang titiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga driver at publiko laban sa COVID-19.

Facebook Comments