Mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Quezon City, abot na sa 1,397

Umabot na sa 1,397 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng Quezon City Health Office as of May 8, nasa 1,397 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City habang 1,156 naman ang na-validate ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Sa datos naman ng Local Government Unit (LGU), mayroong 685 aktibong kaso ng COVID-19 sa lugar.


Nadagdagan ng labing dalawa ang bilang ng nakarekober.

Sa kabuuan, mayroon nang 337 na gumaling at dalawa naman ang naidagdag 134 na bilang ng namatay.

Facebook Comments